ILOILO CITY – Patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa pinsala na dulot ng pag-atake ng atangya o rice black bug sa mga bayan sa Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Ildefonso Toledo, chief ng Provincial Agriculture Office, sinabi nito na kabilang sa mga bayan na may kumpirmadong kaso ng atangya ang ay
Janiuay, Dingle, Concepcion at Banate.
Ayon kay Toledo, patuloy na nadadagdagan ang mga palayan na inaatake ng atangya lalo na ngayong mainit ang panahon.
Nanawagan naman ang opisyal sa mga magsasaka na maging mapagmatyag sa epekto ng nasabing insekto.
Napag-alaman na ang naturang mga peste ay unang umatake sa Barangay Aglosong sa bayan ng Concepcion kung saan sako sakong mga atangya ang nakuha hanggang sa kumalat na ito sa ibang bayan.
Pinayuhan rin Iloilo Provincial Agriculture Office ang mga magsasaka na maglagay ng light trapping device upang mahuli ang mga insekto.