CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang Provincial Budget Officer ng Maguindanao sa pamamaril sa Tacurong City.
Nakilala ang biktima na si Sarah Jean Pindatun,28 anyos, dalaga at residente ng Tacurong City.
Ayon sa ulat ng pulisya, papauwi ang biktima sa kanyang tahanan ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa syudad ng Tacurong.
Patay on the spot si Pendatun nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.
Marami ang naniniwala na posibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa pagbaril patay sa kanya.
Kinondena naman ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki ang pamamaslang sa biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP sa pamamaril patay kay Pendatun.