-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bilang paghahanda sa gagawing Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) para sa taong 2024 hanggang 2027, isang Consultation on Enterprise Prioritization and PRDP Scale Up Workshop ang nilahukan ng mga piling kawani mula sa mga Local Government Units (LGUs) ng Soccsksargen.

Ang konsultasyon ay naglalayong matulungan ang mga kalahok na LGUs sa pagbuo ng PCIP ng mga ito na magsisilbing basehan ng mga pangunahing produkto na palalaguin sa lokal at pandaigdigang merkado.

Ang PCIP ay isang batayan upang matukoy ang mga miyembro ng sektor ng agrikultura na bibigyan ng tulong o ayuda ng pamahalaan na pangangasiwaan ng Philippine Rural Development Project (PDRP) lalo na ang mga grupo ng magsasaka, kooperatiba at mga asosasyon.

Tinalakay rin sa nasabing aktibidad ang mga topikong kritikal para sa matagumpay na implementasyon ng mga programa ng PRDP tulad ng mga sumusunod: updated Value Chain Analysis (VCA) and PCIP, I-Reap Processes, Concept Note on PRDP Scale-up, at iba pang istratehiya tungo sa ikauunlad ng nasabing sektor.

Batay sa datos ng PRDP, ang mga sumusunod na produkto ang prayoridad ng probinsiya ng Cotabato: Cardava, Lakatan, Cacao, Coconut Sugar, Coconut Oil, Green Coffee Beans, Mango, Organic Rice, Rubber Sheet, at Rubber Crumb.

Ang tatlong araw na serye ng consultation workshop ay ginanap sa Koronadal City na dinaluhan ng mga representante mula sa Office of the Provincial Planning and Development Office (OPPDO) at Office of the Provincial Agriculturist