ROXAS CITY – Inihayag ni board member Jose Fulgencio Del Rosario na dinagdagan ngayong taon ang counterpart ng provincial government sa bawat Local Government Unit (LGU) na makikiisa sa mga aktibidad sa nalalapit na Capiztahan 2023.
Sinabi ni Del Rosario, na chairman ng Committee on Tourism, na napagkasunduan ng lokal na gobyerno ng lalawigan nag awing P200,000 ang ibibigay bilang counterpart sa mga LGU’s, at nasa kanila na kung paano ito ipagkakasya.
Kinumprima din nito na sa labing pitong LGU’s sa Capiz, may isang LGU na hindi nagkumpirma ng pakikiisa sa bnasabing event.
Gaganapin ang Capiztahan simula Abril 14 hanggang Mayo 1, nitong taon, kung saan, inaasahan na dadayuhin ang lungsod at lalawigan ng bisita nagmula sa iban probinsya o sa labas ng bansa.