CENTRAL MINDANAO- Aabot sa 6000 bags ng agricultural salt ang naipamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), sa 1500 benepisyaryo na magniniyog, na galing sa 15 bayan ng Probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Rogaya S. Acoy ang Provincial Coconut Coordinator ng OPAG, tatanggap ng tig aapat (4) na sako ng asin ang bawat benepisyaryo, ito ay nagmula sa mga bayan ng Midsayap, Antipas, Kidapawan, Magpet, Matalam, Pikit, Makilala, Carmen, Banisilan, Mlang, Tulunan, Aleosan, Alamada at Kabacan.
Dinaluhan ni Provincial Administrator, Sir Efren Piñol ang ceremonial distribution, at sa kanyang mensahe, ” isa ang sektor ng agrikultura na importante sa liderato ni Governor Nancy Catamco, please share the knowledge para mabuligan pud ang iban”.
Malaking pasasalamat ng mga benepisyaryo na magniniyog, at silay umaasa na magpapatuloy ang ganitong programa, dahil malaking tulong ito para mapalago ang kanilang kita sa niyog.