-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Habang ang lalawigan ng Cotabato ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa dengue outbreak, ang provincial government ay puspusan din ang ginagawang hakbang sa ibang mga programa.

Kabilang na ang pagtutok sa mas mabilis na proseso ng pagkuha sa mga gamot, ollyset net rolls at iba pang mga gamit na kinakailangan para sa pinatindi nitong kampanya laban sa dengue.

Layon nito na kumuha ng mga gamot at suplay lalo na ang mga ginagamit sa paglilinis, fogging at larva elimination para mapabilis na masubaybayan ang mga nagkasakit ng dengue.

Ang lalawigan ay nauanng opisyal na inilagay sa ilalim ng state of calamity noong Agosto 27, 2019 sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution Number 596 at naaprubahan sa ika-8 na Regular Session ng SP at ng kasalukuyang pinamumunuan ni Vice-Gov at Acting Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

“We must act immediately as we expect shortage especially of Ollyset Nets in the coming days as the disease has become a national epidemic”, ani Mendoza.

Inatasan ni Mendoza ang Integrated Provincial Health Office sa pamumuno ni Dr. Eva Rabaya sa pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) na agad maghanda at magsumite ng mga proposal sa kanyang tanggapan upang ang mga kinakailangang rekomendasyon para matiyak na mabilis ang pagkuha ng mga gamot at ibang suplay.

Ang lalawigan ay nakapagtala ng kabuuang 4,583 na mga kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto 2, 2019 na mas mataas ang 221% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon at labing-anim na ang nasawi basis a datos ng IPHO.

Bukod dito, ay nakatakdang gawin ang dengue summit ngayong buwan na pangungunahan ng provincial gov’t.

Pag-uusapan sa dengue summit kung paano maibsan ang paglobo ng dengue cases at mga hakbang sa pag-iwas sa mapanganib na sakit