Nakatakdang isailalim ng Davao del Norte Provincial Government ang kanilang buong probinsya sa state of calamity dahil sa nararanasang matinding pagbaha sa maraming bayan sa kanilang lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni Davao del Norte Governor Edwin Jubajib, nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng B.E. Dujali, Carmen, New Corella at Tagum Ciyu.
Ang mga nasabing lugar na labis na naapektuhan ng mga malawakang pagbaha dahil sa walang humpay na buhos ng ulan simula pa noong January 16.
Batay sa datos ng Provincial Government ng Davao del Norte, nasa higit 48,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 252,000 na mga indibidwal ang naiulat na naapektuhan ng baha.
Ang bilang na ito ay mula sa anim na bayan at dalawang siyudad sa probinsya na kinabibilangan ng Panabo at Tagum City, Carmen, B.E. Dujali, Asuncion, New Corella, Kapalong, at Sto. Tomas.
Ilang barangay naman ang binaha sa Island Garden City of Samal.
Malubha rin ang nangyaring pagguho ng lupa na nagdulot ng abala sa sa bayan ng Talaingod at San Isidro.
Samantala, iniulat rin ng provincial government na batay sa kanilang inisyal na pagtatala, umabot na sa P11M na halaga ng danyos sa agrikultura sa 480 na ektarya na farmland.
Apektado naman ang aabot sa 500 na magsasaka.
Inihayag naman ni Governor Jubajib na nakatakda silang magsagawa ng special session ang Sangguniang Panlalawigan.
Layon nito na maging mabilis ang kanilang pagresponde sa mga pangangailangan ng mga apektadong indibidwal at pamilya dahil sa baha.
Ito’y upang masmapabilis ang pagresponde sa mga pangangailangan ng mga apektadong apektado ng baha sa pamamagitan ng calamity fund ng probinsya.