LEGAZPI CITY- Target ng provincial government ng Albay na maglatag ng mga guidelines sa pagsuspinde ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa gitna ng matinding init ng panahon.
Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office head Dr. Cedric Daep na nais na magkaigwa nin warning criteria na maaaring pagbasehan sa panahon ng tag-init.
Kabilang sa naging pagpupulong ang state weather bureau, Department of Education, Department of Interior and Local Government, Office of the Civil Defence at iba pang stakeholders.
Paliwanag ng opisyal na nais na magkaroon ng executive order para sa synchronized suspension ng trabaho sa gitna ng mataas na heat index na nagdadala ng panganib sa kalusugan ng mga manggagawa.
Kabilang sa mga nais matutukan ang pagsuspinde sa trabaho ng mga senior citizen na pinaka prone sa panganib ng matinding init ng panahon.
Dagdag pa ni Daep na ang mga nasa pribadong sektor ay maaaring mag-adapt ng naturang plano kung nanaisin ng mga management.
Samantala, sakaling maisapinal at tuluyang makabuo ng guidelines ay maaari umanong i-konsidera ng national government kung nais itong maipatupad sa buong bansa.