-- Advertisements --
Inihahanda na ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang ibibigay na tulong para sa mga apektadong lokalidad matapos umabot na sa ilang coastal barangays sa probinsiya ang oil spill mula sa lumubog na MT Terranova sa Bataan.
Una ng kinumpirma ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kaniyang online account na apektado na ng tumagas na langis ang mga coastal barangay ng Ternate, Maragondon, Naic, at ilang parte ng Tanza, Cavite.
Aniya, naramdaman na ng bahagya ang oil spill sa lugar madaling araw ng Lunes.
Ang pagkumpirma ng Gobernador sa presensiya ng tumagas na langis sa kanilang lalawigan ay kasunod ng naobserbahan ng mga mangingisda at residente malapit sa baybayin sa Tanza na kakaibang amoy at bakas ng langis sa kanilang lugar.