-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binuo ng lokal na pamahalaan sa probinsya ng Cotabato ang Task Force Sagip.

Umaabot ngayon sa 400 na mga Cotabateños ang stranded iba’t ibang panig ng bansa ang makakauwi na sa kani-kanilang mga lugar.

Bago ay inaprubahan ng Provincial COVID-19 Inter Agency Task Force sa pamumuno ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang pagbuo ng Task Force Sagip.

Trabaho ng Task Force Sagip na asikasuhin ang pagpapauwi sa mga na-stranded na mga residente ng lalawigan bago magsimula ang lockdown tungo sa kani-kanilang mga bayan o lungsod.

Tiniyak ni Catamco ang kalusugan ng taongbayan kaya mahigpit nitong ipapatupad ang mga umiiral na alituntunin ng public health emergency dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para mapigilan ang pagkalat ng virus kung sakaling mayroong carrier sa nakakahawang sakit sa mga ito.

Sa kanilang pagdating, agad na sasailalim ang mga ito sa 14 day quarantine sa mga quarantine facility sa mapiling paaralan sa kanilang bayan.

Sa mga na-stranded na Cotabateños ay maaring i-text lamang ang Task Force Sagip hotline 09615783048 for 3rd District, 09518266356 for 2nd District at 09518266358 for 1st District.

Sasagutin ng mga kongresista sa tatlong distrito ang gastusin sa kanilang mga pangangailangan katuwang ang DSWD-12 at iba pang sangay ng pamahalaan.

Sa panig naman ng mga stranded na OFWs, mahigpit na ipatutupad sa mga ito ang mga health protocol alinsunod sa National Guidelines kabilang na rito ang pagpresenta ng health clearances mula sa OWWA.

Ang pagsasailalim sa kanila sa isolation ay case-to-case basis at depende sa kanilang sitwasyon.