-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Cabangbangan President Roxas, Langkong, Mlang at Dado, Alamada, Cotabato sa programang medical-dental mission na hatid ng pamahalaang panlalawigan na pinangungunahan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.

Sa pakikipagtulungan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato), barangay health workers at ilang mga health volunteers, matagumpay na nabigyan ng serbisyong medikal ang 475 na mga indibidwal mula sa nasabing programa.

Sa datos na isinumite ng IPHO abot sa 345 ang nakatanggap ng libreng konsultasyon, 63 ang nabunutan ng ngipin, 42 na mga batang lalaki ang sumailalim sa libreng tuli at 25 naman ang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Ang mas pinalakas na programang pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan ay patuloy na mag-iikot at mamamahagi ng dekalidad na serbisyong medikal sa mga malalayong barangay ng lalawigan.