CENTRAL MINDANAO-Mahigit sa 224 na mga indibidwal na naman ang nakatanggap ng tulong medikal mula sa programang Medical-Dental Outreach Program ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.
Personal na binisita ni Board Member Sittie Eljorie Antao-Balisi kasama si Libungan Municipal Mayor Angel Rose “Apol” Cuan bilang mga representante ni Governor Mendoza ang mga residente ng Barangay Batiocan upang ipamahagi ang tulong sa pangunguna ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) at ilang mga health volunteers.
Sa datos ng IPHO umaabot sa191 ang nagkaroon ng libreng medikal check up, 16 ang nakatanggap ng libreng bunot ng ngipin, 14 na mga batang lalaki ang sumailalim sa operation Tuli at 3 naman ang nabakunahan laban sa Covid 19.
Patuloy na mag iikot ang medical mission team upang mas mapalakas ang programang pangkalusugan ng probinsya at maibahagi ang libreng serbisyong medikal sa bawat Cotabateño.