-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Namahagi ng 2nd semester allowance ang Provincial Treasurer’s Office (PTO) sa mga benepisyaryo ng Scholarship Program ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng liderato ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.

Ang mga iskolar ay mula sa mga pribado at pampublikong eskwelahan sa probinsya na tumanggap ng P6,000 allowance na kanilang magagamit sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral.

Pasasalamat ang ipinaabot ni Ivy I. Aguilar, isang 4th Year Secondary Education student ng University of Southern Mindanao – Kidapawan City Campus sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ni Governor Mendoza dahil abot kamay na niya ang kanyang pangarap dahil sa tulong na natanggap.

Ang nasabing pamamahagi ay magpapatuloy hanggang Pebrero 3, 2023.