-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patuloy na nakararamdam ang lalawigan ng Ilocos Sur ng pagyanig or aftershocks matapos ang magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra.

Sa mga nakalipas na mga oras at magdamag naitala ang mahigit sa 10 mga pagyanig na naramdaman sa lalawigan kung saan naitala ang pinakamalas na aftershock sa bayan ng Suyo na niyanig ng magnitude 3.3 na lindol.

Bago ang nasabing pagyanig ay naitala din ang 3.1 magnitude sa Santiago, 2.8 magnitude sa siudad ng Vigan at bayan ng Santa at sa ibang bahagi ng lalawigan.

Patuloy ang paalala ng provincial government of ilocos sur na mag-ingat ang lahat ng mga residente sa patuloy na pagyanig na naitatala na baka magdulot muli ng mga pagguho o kaya mga landslides.