CAUAYAN CITY – Naghatid ng relief packs ang Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Quirino sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Isabela at Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSWD Officer Jun Pagbilao ng Quirino na naka-repack na ang mga relief goods na ipinadala sa Isabela at Cagayan .
Nasa humigit kumulang 5,000 relief packs para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Dalawang libong food packs ang ipapadala sa lalawigan ng Cagayan kung saan isang libong food packs ang mapupunta sa lungsod ng Tuguegarao habang 2,000 food packs din sa Isabela
Nauna na ring kinumpirma ni PDRRM Officer Jimmy Rivera ng Isabela na dumating na ang ayuda mula sa lalawigan ng Quirino .
Tuloy tuloy pa rin ang pagtanggap nila ng walk in donations na dinadala ng mga walk in donors.
Bumili rin ang PSWD Quirino ng ilang sako ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) na nakatakda ring mai-repack.
Samantala, nagpadala naman 50 health worker ang lalawigan ng Guirino sa lalawigan ng Cagayan na tutulong sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga residenteng nananatili sa mga evacuation center.
Matatandaang nauna nang ngapadala ng composit team na binubuo ng rescuers mula sa BFP, PNP at PDRRMO para tumulong na rin sa pagsagip sa mga residenteng nanatiling stranded sa bubungan ng kanilang mga bahay.