BOMBO DAGUPAN – Naalarma na ang Provincial Health Office sa pagtaas ng kaso ng gastroenteritis sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial health officer Dr. Ana Marie de Guzman, tumaas ng 32 percent ang kaso ng gastroenteritis sa lalawigan ngayong taon.
Base sa kanilang datos, umaabot sa 4,564 ang kaso ang naitala mula buwan ng Enero 1 hanggang September 12, 2022 kung saan ay 26 ang nasawi.
Mas mataas ito kumpara sa datos sa parehong period na naitala noong nakaraang taon na 1,967 ang kaso kung saan ay 12 dito ang nasawi.
Sinabi ni de Guzman na sa ngayon kabilang sa mga bayan na binabantayan ngayon na nakapagtala ng mataas na kaso ay ang bayan ng Umingan, Lingayen, Mangaldan, Malasiqui at lungsod ng San Carlos City.
Bukod sa limang nabanggit na mga bayan at ciudad, may ilang bayan pa umano mula sa ibat ibang distrito ang minomonitor ng PHO na may mataas ding kaso ng pagkakasakit.
Kontaminadong tubig ang sinasabing pangunahing sanhi ng sakit.
Dahil karamihan na naitalang nagkasakit ay mga bata kaya tinitignan ding dahilan ni Dr. De Guzman ang hindi malinis na preparasyon ng pagkain para sa mga bata at kulang sa linis sa katawan ng mga ito bago at matapos kumain.
Ang gastroenteritis ay isang sakit na nakukuha mula sa kontaminadong pagkain o inumin na nagdudulot ng pagsusuka, pagkahilo, diarrhea at sakit sa tiyan.