-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang hot pursuit operation sa isang takas na bilanggo sa Sarangani Provincial Jail sa Baluntay, Alabel, Sarangani Province .

Ayon kay Provincial Jail warden Manuel Sales, nangyari ito nang pinalinis sa paligid ang mga bilanggo.
Hindi namalayan na ang isa ay nakatakas na nahaharap sa kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga at rape.

Si Sales ay humingi na apat na araw kay Sarangani Gov. Steve Chiongbian Solon para maibalik sa selda.

Ayon sa kanya na nasa kagubatan umano ang eskapo na binabantayan sa ngayon.

Naniniwala ang naturang opisyal na kung gutumin na ang bilanggo kusa itong lalabas sa kanyang pinagtataguan.

Dagdag pa nito na kung hindi makabalik sa selda ang nakatakas na bilanggo ay mahaharap sa parusa ang nagbantay na mga jail guards.