Sinigurado ng Dipolog at Zamboanga del Norte taskforce na tuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alintuntunin na nakapaloob sa General Community Quarantine kahit opisyal ng inalis ng Regional Inter-agency taskforce ang mga brgy, city at municipality check points simula noong May 19, 2020.
Ito ay kasunod na rin ng mga samo’t saring hinaing ng publiko matapos ang ginawang hakbang ng RIATF.
Sa ginawang pakikipagpulong ng Sangguniang Panlungsod kinuwestyon din kung possible na bang magbalik ang operasyon ng mga terminal ng bus, airport at pantalan kung saan napag-alaman na daan daan ang dumadagsang pasahero sa lungsod at probinsya araw- araw.
Sinabi naman ng provincial IATF ng meron paring gagawing monitoring sa mga pasaherong papasok sa lungsod alinsunod sa inilatag na protocols.
Dagdag pa, magpapatuloy pa rin ang paghihigpit ng lungsod at probinsya kahit magtapos na ang General Community Quarantine ngayong May 31, 2020 kung saan patuloy pa rin an pag-obserba sa 1 meter phycial distance at pagsusuot ng facemask pati na ang palagiang paghuhugas ng kamay.