KORONADAL CITY – Isasara sa loob ng isang lingo ang Office of the Provincial Agriculture (OPAG) sa lalawigan ng South Cotabato upang bigyang daan ang disinfection matapos na nagpositibo sa COVID-19 ang 13 mga empleyado.
Ito ang kinumpirma ni provincial agriculturist Raul Teves sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Teves, dalawa ang unang nagpositibo sa nasabing sakit kung saan 11 sa mga kasamahan ng mga ito ang may close contact na agad isinailalim sa swab test at nagpositibo rin.
Pawang nakitaan naman ng sintomas ang mga nagpositibo sa sakit.
Kaugnay nito nasa kabuuang 13 mga empleyado ng OPAG-South Cotabato ang naka-isolate ngayon.
At upang masiguro na wala ng virus ang tanggapan at bigyang daana ng contact tracing ay isang linggo na isasara ito para sa kaligtasan ng lahat.
Humihingi naman ng paumanhin ang opisyal sa lahat sa nangyari at nagpasalamat na rin sa mga ipinadalang mga gulay at prutas ng mga magsasaka sa ibat-ibang lugar sa probinsiya matapos malaman na nagpositibo ang mga empleyado nito.