-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pansamantalang lumabas ang ilang empleyado at mga kasapi ng Provincial Board of Canvassers sa Albay mula sa Sangguniang Panlalawigan Hall.

Ito’y matapos na maramdaman ang pagyanig habang nasa kalagitnaan ng pagbibilang ng boto sa nagpapatuloy na election period dakong alas-9:36 kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang ilang bahaging lalawigan kung saan namataan ang sentro sa layong 15 kilometro sa hilagang-kanluran ng Rapu-Rapu.

May lalim itong pitong kilometro at tectonic in origin.

Samantala, naiulat naman ang Intensity III na naramdaman sa Legazpi gayundin ang Instrumental Intensity IV sa kaparehong lungsod.

Nag-abiso naman ang PHIVOLCS na wala namang inaasahang pinsala bunsod ng pagyanig habang wala ring inaasahang kasunod na aftershocks.