Sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang provincial director ng Negros Police Provincial Office at tatlong chiefs of police.
Kasunod ito ng kontrobersyal na one time big time operation na ikinasawi ng 14 na indibidwal na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, ang mga sinibak ay sina Police Colonel Raul Tacaca na siyang provincial director ng Negros Police Provincial Office.
Habang ang tatlong hepe ay sina Police Lt. Col. Patricio Degay, chief of police ng Canlaon City; Police Lt. Kevin Roy Mamaradlo ng Manjuyod Municipal Police Station; at Police Captain Michael Rubia, ng Sta. Catalina Municipal Police Station.
Una nang sinabi ng PNP na may warrant of arrest ang mga nasawing indibidwal dahil sa kasong illegal possesion of firearms pero nanlaban umano ang mga ito nang ikasa ang operasyon kaya napatay.
Ongoing na ang Motu Propio investigation ng PNP Internal Affairs Service.