-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nararanasan na ang malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Isabela bunsod ng bagyong Pepito.

Nauna rito ay inabisuhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang mga mamamayan na maging handa sa anumang maaring epekto na idulot ng bagyong.

Sa naging pahayag ni Retired General Jimmy Rivera, Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer ay kinakailangan na maging handa ang mga mamamayan bago ang inaasahang pagtama ng bagyo ngayong gabi sa Aurora area.

Inabisuhan na rin ang mga local DRRMO sa Isabela na imonitor ang kanilang mga nasasakupan pangunahin ang nakatira sa flood prone areas .

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Michael Conag, information Officer ng OCD region 2 na hindi na madaanan ang mga tulay sa Cansan Bagotari Bridge sa Cagayan at Cabagan-Santa Maria Overflow Bridge sa Isabela.

Patuloy rin ang monitoring ng MDRRMO sa mga overflow bridges sa mga bayan ng Jones at hindi na rin madaanan ang Gucab overflow bridge Bridge Sa Echague Isabela dahil sa patuloy na pag–ulan.

Kaugnay nito ay handang handa na rin ang mga rescue teams na tutugon sa anumang maging epekto ng bagyong Pepito.

Habang nakahanda na rin ang mga relief packs na ibabahagi sa mga mamamayang maapektuhan ng bagyo.

Maging ang DPWH Isabela ay nakahanda na rin sa magiging epekto ng bagyong Pepito.