LEGAZPI CITY – Nagbigay na ng request ang provincial government of Albay sa pamamagitan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa national office upang humingi ng karagdagang pondo sa pagbibigay ayuda sa mga apektado ng coronavirus disease pandemic.
Kasunod ito ng unang araw ng pagpapatupad ng border closure sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay APSEMO chief kay Dr. Cedric Daep, malaking tulong ang ipinaabot na sulat sa Office of Civil Defense (OCD) Bicol patungo sa national government para sa karagdagang tulong.
Subalit nanawagan ang opisyal na maibaba kaagad ang pondo upang maibigay ang pangangailangan ng mga Albayano.
Una nang nabatid na nasa P22 million ang available budget ng provincial government na kukulangin kung tatagal pa ang paglaban sa COVID-19.