CENTRAL MINDANAO – Para mas makahatak pa ng maraming mamumuhunan at maitaguyod ang mga lokal na produkto ng Arakan Valley Complex at ng munisipyo ng Tulunan magsasagawa ng dalawang araw na Arakan Valley Complex Investment Fair sa Setyembre 19-20, 2019 na pamunuan ng Arakan Valley Complex Project Management Office (AVC-PMO) sa pakikipagtulungan ng Action Against Hunger (ACF) at Provincial Government ng Cotabato.
Kabilang sa mga munisipyo na sakop ng Arakan Valley Complex ang munisipyo ng Antipas, Arakan, Magpet, Matalam at President Roxas.
Sa isinagawang courtesy visit ni AVC-PMO Administrator Kerwin Jade Mallorca inilahad nito ang kahalagahan ng dalawang araw na investment fair na ayon sa kanya malaki ang maitutulong lalong-lalo na sa Arakan Valley at Tulunan.
Isa rin ang Tulunan sa mga lugar na napili dahil kabilang ito sa mga areas na na-identify rin ng ACF dahil sa mayaman nitong agrikultura.
Dagdag pa niya na ang aktibidad ay parte rin umano ng strategic development process ng AVC_PMO para makita at mabigyang prayoridad ang mga lugar ng AVC at Tulunan na dapat pang palaguin.
Ayon naman kay Jules Binetez Project Manager, Rise Project of ACF suportado nila ang aktibidad at sa katunayan ang kanilang organisasyon sa pamamagitan ng European Union Delegation in the Philippines ay nagsagawa na rin ng community based participatory planning sa limampung areas ng Arakan Valley at Tulunan.
Nagpahayag naman ng pagsuporta ang magiging host ng event na si Governor Nancy Catamco. Ayon sa kanya ang aktibidad na ito ay malaki ang maitutulong sa pag-unlad at paglago ng Arakan Valley Complex at ng bayan ng Tulunan.