Inuulat nitong araw, Martes, ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang gastos ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga ipinatatayong mga imprastraktura na umabot na sa kabuuang P1.142 trillion para sa unang tatlong quarter ng taong ito.
Mas mataas aniya ito ng 11.9 percent kumpara noong nakaraang taon kung saan naitala sa kaparehong quarter na umabot lang sa P1.021 trillion ang naging gastos ng gobyerno. Triple naman ang itinaas nito kumpara sa P807 billion na nagastos ng gobyerno noong 2021.
Sinabi pa ng DBM noong 2020, kasagsagan ng pandemic ay umabot lang sa P595 billion ang nagastos ng gobyerno sa mga imprastraktura habang P911.6 billion naman ang nagastos ng gobyerno para sa taong 2022.
Ang mga nasabing imprastraktura umano ay para matugunan ang pagpapalago ng ekonomiya sa Pilipinas kung saan target ng gobyerno na ma-hit ang anim hanggang pitong porsyento na growth rate para sa 2024. Malaking ambag din aniya dito ang construction, kung saan 6.4 percent ng GDP growth rate ang nakitaan sa second quarter ng taong ito.
Ngunit bahagya namang bumagal ang paglago ng ekonomiya sa 5.2 percent sa ikatlong quarter ng taon dahil sa mga nagdaang mga kalamidad na nagiwan ng malaking epekto sa agrikultura, at turismo, dahilan para ma-delay ang construction project sa bansa.