DAVAO CITY – Binisita ng World Bank at EU delegation ang tatlong proyekto nito sa rehiyon na pinondohan sa pamamagitan ng financial loan sa halagang 15.4 bilyon pesos.
Alinsunod ito sa suporta sa Department of Agriculture Philippines Rural Development Project (DA-PRDP) upang makabangon mula sa krisis na hatid ng food security at pandemic.
Priority ng kanilang proyekto sa Mindanao ang mga ma-ikonsiderang conflict-affected regions, areas with Indigenous People IP, low-income class Local Government Units LGUs at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Upang malaman ang kalagayan ng proyektong itinayo, binisita ng World Bank at EU Delegates ang tatlong subproject sa Davao region.
Kung saan napag-alamang nakompleto na ang construction sa P20 million na halaga sa “Chocolate Processing” sa Rehoboth Agriculture Cooperative (RACO) sa Panabo City; habang nagpapatuloy naman ang construction sa subproject sa Tibolo Farm Workers Association (TIFWA) sa Davao del Sur na nagkakahala ng P18 million; at ang P103 million worth na Rehabilitation sa Ibo-Pitu, Malalag Farm-to-Market Road” sa Malalag Davao del Sur.