-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng courtesy call ang mga miyembro ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato.
Sa kanilang pagpupulong, kanilang inilahad ang mga livelihood projects na maaaring ipagkaloob sa mga barangay sa bayan ng Kabacan na makakatulong sa pagkamit ng kapayapaan.
Lubos naman ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa OPAPP at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Aniya, isa sa mga prayoridad ni Guzman Jr ang peace and order sa kanyang administrasyon kung kaya ang pagpasok ng OPAPP at DSWD ay malaki ang maitutulong upang maisakatuparan ang kapayapaan.