CENTRAL MINDANAO- Gabi nang dumating sa Pigcawayan North Cotabato si Pangulong Rodrigo Duterte.
Namahagi ng mga farm inputs sa mga magsasaka ang Pangulo na nagkakahalaga ng P58 milyon.
Kasama sa pinamahagi ng Presidente katuwang ang Department of Agriculture (DA) apat na mini-four-wheel-drive tractors, limang rice combine harvesters at 27 hand tractors.
Maliban sa mga farm equipment namigay din ang pangulo ng cash cards na nagkakahalaga ng P5,000.00 sa 100 na mga magsasaka mula sa Libungan Cotabato.
Sinabi ni pangulong duterte na magpapatayo siya ng tesda school para sa mga nais na mag aral sa tesda sa bayan ng Pgcawayan.
Kasama ng Presidente ang ilan sa kanyang Gabinete kahit gabi na ay naroon parin ang mga lokal na opisyal sa probinsya.
Nagpasalamat naman si Governor Nancy Catamco sa Presidente sa pinamahagi nitong tulong sa mga magsasaka sa bayan ng Pigcawayan.
Matatandaan na una ng binisita ni Duterte ang M’lang Cotabato kung saan namigay ito ng pagkain at cash assistance sa mga pamilya na grabeng sinalanta ng lindol.