Inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte paglabag sa kaniyang karapatan para sa malayang pamamahayag ang pagsuspendi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa 2 programa ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Binigyang diin pa ng dating pangulo na isang paglabag sa press freedom ng outfit na kaniyang ginagamit bilang platform ang naging aksiyon ng naturang ahensiya.
Sinabi din ni Duterte na sa kaniyang pananaw, ang pagsupil sa karapatan para i-exercise ang malayang pamamahayag ay hindi apat na subject sa preliminary o permanent status at ang right to free expression ay isang absolute para sa dating pangulo.
Subalit ayon naman sa MTRC inisyu nito ang suspensiyon sa naturang mga program matapos ang malalimang pag-aral at imbestigasyon ng mga paglabag sa mga inereng content sa 2 programa base sa mga reklamong natanggp ng bord.
Kabilang dito ang death threat na inihayag sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” at unverified report na iniulat naman sa “Laban Kasama ang Bayan.”
Matatandaan na una ng pinatawan ng board ng 14-day suspension noong Dec. 18 ang “Gikan sa Masa Para sa Masa” talk show ni Duterte.
Habang 2 week suspension naman ang ipinataw sa network talk show na “Laban Kasama ang Bayan”.