-- Advertisements --
Hong kong protests rallies 1
Hong Kong protest/ File Photo

Muli na namang nagkasagupa ang mga kapulisan at protesters sa Hong Kong.

Ito ay matapos ang biglang paglusob ng mga pro-democracy activists sa central Hong Kong kahit wala silang anumang permit para magsagawa ng rally.

Kahit na naibasura na nag kontrobersyal na panukalang ay hindi pa rin hihinto aniya ang mga protesters hanggang hindi naibibigay ang kanilang kahilingan.

Ilan sa mga dito ay ang pagpapaimbestiga sa pang-aabuso ng mga kapulisan at ang tuluyang pagbababa sa puwesto ni Hong Kong leader Carrie Lam.

Nagpaulan ng teargas at water cannon laban sa mga protesters na armado ng petrol bombs sa ika-15 linggong kilos protesta.

Dahil sa nasabign kilos protesta ay naapektuhan ang mga negosyo kaya ng pagkasara ng MTR stations.