-- Advertisements --
Maraming deboto ang lumahok sa prusisyon ng imahe Santo Niño de Tondo sa Maynila kasabay ng kapistahan nito.
Alas kwatro ng madaling araw ng magsimula ang prusisyon at umikot sa mga kalsada sa Tondo.
Nakalagay ang imahen sa isang acrylic glass at nakasakay sa malaking karosa na punong-puno ng mga bulaklak.
Ang ilang debotong sumama sa prusisyon ay may dala-dalang sariling karosa kung saan nakalagay ang imahen ng Santo Niño habang ang iba naman bitbit lang ang kanilang imahen.
Samantala, kasama din sa prusisyon ang ilang tauhan ng Manila Police District habang nakaantabay naman ang ibang police sa bawat ruta ng dadaanan ng prusisyon para matiyak ang peace and order ng lugar