-- Advertisements --

Mas maganda pala ang performance ng ekonomiya kumpara sa inisyal na estimate noong 2021 dahil na rin sa malakas na rebound sa last quarter ng naturang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Kahapon, binago ng PSA ang full-year growth rate ng bansa sa 5.7 percent mula sa initial estimate na 5.6 percent na kanilang sinabi noong Enero 2022.

Ang revision na ito ay dahil na rin sa mataas na estimate sa fourth-quarter growth rate ng bansa na pumalo sa 7.8 percent mula sa preliminary estimate na 7.7 percent.

Dahil dito, ang 2021 year-on-year GDP growth rate ay ikalawa sa pinakamababang paglago ng ekonomiya mula noong 2011 nang naitala naman ang growth rate na 3.9 percent.

Nitong Miyerkules lang ay sinabi ng Asian Development Bank na ang gross domestic product growth ng bansa ay inaasahang mag-average sa 6 percent ngayong taon at 6.3 percent naman sa susunod na taon.