Isinapubliko na ng Philippine Statistic Authority ang limang bansa na tax-friendly para sa lahat ng Overseas Filipino Workers.
Partikular na tinukoy ng ahensya ay ang bansang UAE, Singapore, Hong Kong, Bahrain at Switzerland.
Batay sa datos, as of 2022 pumalo na sa mahigit 1.96 milyon ang mga nagtatrabahong Pilipino sa ibat-ibat bahagi ng mundo.
Karamihan sa mga ito ay namamalagi at nagtatrabaho sa Asia, Europe, Australia, North at South America, maging sa Africa.
Ayon sa ahensya, as of 2022, majority ng mga OFWs o katumbas ng 44.4% ay nakakuha ng trabahong simple at routine task.
15.5% naman sa mga ito ay nagtatrabaho bilang service and sales workers habang 12.4% ang nagtatrabaho bilang mga plant machine operators at assemblers
Nakasaad sa Philippine Tax Code, ang mga OFWs at Filipino citizens na nagtatrabaho at kumikita mula sa ibang bansa ay exempted sa paghahain ng income tax sa Pilipinas.
Ngunit kung sila ay may negosyo, investment at mga pag-aari ay sa ibang bansa ay subjected na ito sa paghahain ng buwis.
Siyempre, ang mga OFW ay napapailalim sa income tax ng host country, na may mga rate na nag-iiba batay sa umiiral na mga batas sa buwis sa bansa.