Nagkaroon ng pagbaba sa kasalukuyang produksyon sa sektor ng pangisdaan sa pagsasaka sa bansa sa 2nd quarter ng kasalukuyang taon.
Ito ang kinumpirma ng Philippines Statistics Authority sa mga kinatawan ng media.
Batay sa datos ng ahensya, umabot sa 15.56 milyong metriko tonelada ang ibinaba sa sektor ng agrikultura .
Karamihan sa mga produktong bumaba ang ani ay ang tubo, palay, at mais.
Paliwanag naman ng Department of Agriculture , ito ay epekto pa rin ng nagdaang El Niño phenomenon.
Niatala naman ng ahensya ang pagbaba sa fisheries production sa Pilipinas para sa buwan Abril hanggang Hunyo.
Bumaba pa ito sa 1.02 MMT na mas mababa sa 6.2% na produksyon noong nakalipas na taon.
Itinuturing dahilan nito ay ang mababang lebel ng produksyon ng seaweed, galunggong, at maging matang baka.
Tiniyak naman ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, sapat ang supply ng pagkain sa bansa.