Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority na nagkaroon ng bahagyang pagbagal sa rice inflation noong nakalipas na buwan ng Abril.
Ibig sabihin, nagkaroon ng pagbagal sa presyuhan ng bigas sa mga merkado.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, pumalo na lamang sa 23.9% ang rice inflation noong buwan ng Abril mula sa dating 24.4% rice inflation.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, ang pabagal ng rice inflation ay dulot ng pagbaba sa presyon ng bigas sa international market.
Nagkaroon rin ng bawas sa presyo ng well milled at special rice noong nakalipas na buwan.
Ang average na presyo ng well milled rice ay pumalo sa ₱56.42 kada kilo nitong Abril habang ₱56.44 kada noong nakalipas na Marso.