Kumpyansa ang pamunuan ng Philippine Statistics Authority na malaki ang maitutulong ng authentication services ng National Identification sa pagkamit ng digital transformation sa bansa.
Ayon sa ahensya, malaki ang magiging ambag nito sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Mas mabilis rin na makikilala ang pagkakakilanlan ng isang personalidad gamit ang mga hatid nitong serbisyo katulad ng facial recognition, fingerprint scanning at iba pa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PSA Chief Undersecretary Claire Dennis Mapa, may mas mataas itong lebel ng seguridad kung ikukumpara sa ibang mga ID.
Sa ganitong paraan ay makatitiyak na hindi madadaya ang isasagawang transakyon.
Tiniyak naman ng Philippine Statistics Authority na kanilang pahuhusayin ang lahat ng kanilang mga serbisyo para sa mamamayang Pilipino.