Nakapag-imprenta na ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng kabuuang 50,262,059 Philippine IDs (PhilID) gayundin ang electronic version nito.
Sa pahayag na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), kabuuang 30,558,332 mga Philippine IDs (PhilID) ang nai-deliver.
Dahil sa kahirapan sa pag-roll out ng mga national ID sa mga plastic form, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Oktubre 2022 na ipi-print nito ang electric version ng ID.
Sinabi ng ahensya na nakipagtulungan ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas para sa pag-imprenta at produksyon, at pinangangasiwaan ng Philippine Postal Corporation ang delivery.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong Hulyo ng nakaraang taon na makapag-deliver ng 50 milyong ID sa katapusan ng Disyembre ng 2022.