-- Advertisements --

Humingi nang paumanhin ang Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa nagkaroon ng aberya sa unang araw ang kanilang online registration para sa national ID System.

Ayon sa PSA, sa dami ng mga nagbukas ng kanilang portal ay hindi nakayanan ng kanilang website.

Aabot kasi sa 40,000 registrants request ang kanilang natanggap sa unang minuto nang ilunsad ang nasabing pilot launch.

Dahil dito, naapektuhan din ang pagpapadala nila ng one-time passwords (OTP) na kailangan para sa registration.

Tiniyak nila na kanilang reresolbahin ang nasabing problema.

Magugunitang inilunsad ng PSA ang online registration para sa National ID para maabot ang target nila na maiparehistro ang 70 milyon na katao sa pagtatapos ng 2021.