-- Advertisements --
Philippines Statistics Authority biometric national ID 324x160 1

Sa paghahangad na maabot ang mga liblib na komyunidad sa bansa, nagdeploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng PhilSys on Wheels’ na tumulong para sa National ID Registration.

Ang PhilSys on Wheels ay mga sasakyan na naglalaman ng mga kumpletong registration kits na tumutulong sa mga Pilipino na makapagrehistro para sa National ID system ng bansa.

Ang naturang inisyatiba ay upang maabot ng PSA ang target nitong bilang ng mga mairehistrong Pilipino sa National o PhilSys ID.

Ilan sa mga lugar na tinungo ng PhilSys on Wheels ay ang mga piling brgy sa Bataaan, Misamis Occidental, at iba pang malalayong brgy.

Batay sa datus ng PSA, umaabot na sa 80,714,673 Filipinos ang nairehistro nito, simula inumpisahan ang registration para sa National ID.

Tiniyak naman ng ahensiya na magpapatuloy ang pagpaparehistro sa mga Pilipino sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 39,656,331 ang kabuuan ng mga National ID na naideliver ng PSA sa mga mismong may-ari.