Wala pa ring patid ang gobyerno ng Pilipinas sa mga ginagawa nitong hakbang upang tuluyang mapababa ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino.
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority, bahagyang bumaba ang poverty incidence sa mga pamilyang Pilipino noong nakalipas na taon sa 10.9%.
Mas mababa ang datos na ito kumpara sa naitala noong 2021 na umabot sa 13.2% poverty incidence .
Ang naturang datos ay katumbas ng 109 sa bawat 1,000 pamilya na masasabing kabilang sa mahihirap na kategorya.
Sinabi rin ng PSA, na nagkaroon ng pagbaba sa kahirapan na umabot sa 15.5% mula sa dating 18.1% noong 2021.
Sa isang pahayag, sinabi ni PSA Chief at National Statistician Dennis Mapa, ang porsyentong ito ay katumbas ng 17.54 milyon ang bilang ng mahihirap na Pilipino noong 2023.
Ito ay mas mababa ng 2.36 sa datos na naitala ng ahensya sa parehong panahon noong 2021.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mayroong pinakamababang poverty incidence na 1.8% habang ang BARMM ang may pinakamataas na poverty incidence na pumapalo sa 32.4%.