Iniulat ng Philippine Statistic Authority ang naitalang pagbaba sa presyo ng bigas noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.
Ayon sa ahensya, ang naturang pagbaba sa presyo ay para sa well-milled kabilang na ang premium at special rice.
Ang presyo sa kada kilo ng special rice noong Mayo ay pumalo lamang sa ₱54.78 di hamak na mas mababa ng halos piso sa ₱55.27 per kilo noong buwan ng Abril.
Pumalo naman ang presyo sa kada kilo ng premium rice sa ₱53.43 sa nasabing buwan kumpara ss ₱53.93 na naging presyo nito noong Abril.
Kaugnay nito , ang wholeprice ng well milled rice ay naglaro naman sa average price na ₱50.31 kada kilo.
Sa datos ng DA, ang pinakamababang presyo ngayon ng regular milled na bigas ay naglalaro sa ₱45 per kilo, ₱48 per kilo sa well milled rice.
₱51 per kilo naman ang presyuhan sa premium rice at ₱56 sa special rice.
Kung maaalala, siniguro ng ahensya na patuloy nitong sisikapin na maibaba sa 30 pesos ang presyo sa kada kilo ng bigas sa bansa pagsapit ng buwan ng Hulyo – August.