-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) na nagkaroon ng pagbaba sa production cost ng Palay sa bansa noong nakalipas na taon.

Batay sa datos na inilabas ng ahensya, umabot lamang sa P13.38 kada kilo ang average na production cost ng palay noong nakalipas na taon habang mas mababa ito kumpara sa parehong production cost noong 2022.

Nangunguna pa rin ang Central Luzon sa may pinakamababang production cost ng Palay na umaabot sa P11.60 kada kilo.

Pinakamataas naman ang production cost ng Palay sa Central Visayas na pumapalo sa P18.70 per kilo.

Ayon sa PSA, sa isang ektarya ng sakahan , aabot sa P55,814 ang nagiging gastos sa Palay production para sa nakalipas na taon.

Sa naturang lawak naman ng sakahan ay may average lamang na kita na aabot sa P27,033.