-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Statistics Authority ang pagtaas sa average farmgate price ng palay sa unang buwan ng 2024 dito sa bansa.

Batay sa tala ng ahensya tumaas ito ng ₱25.08 sa kada kilo ng Palay.

Ito ay mas mataas ng 9.6% kumpara sa ₱22.89 kada kilo ng Palay noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.

Mas mataas rin ito ng 41.4% kung ikukumpara sa naitalang farmgate price noong nakaraang taon na umabot sa ₱17.74 kada kilo.

Kabilang naman sa mga rehiyon sa bansa na may pinakamataas na farmgate price ng palay ay ang Region 1 o Ilocos Region na umabot sa ₱28.97 ang kada kilo.

Ang pinakamababa namang farmgate price ay naitala sa Eastern Visayas na umabot sa ₱19.31 kada kilo.

Sinabi pa ng PSA na ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas at nakapagtala ng positive year-on-year growth rates noong nakaraang buwan.

Samantala, sa monitoring ng Bantay Presyo, tuloy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa ngayon aabot na sa P45 pesos mabibili ang kada kilo ng well milled rice habang ₱50 naman ang pinakamura sa premium rice sa mga merkado.