-- Advertisements --
Muling naitala ng Philippine Statistics Authority ang pagbaba sa presyo ng bigas sa unang dalawang linggo ng Enero ngayon taon.
Sa isang pahayag ay sinabi ng ahensya , bahagyang nabawasan ang presyo ng kada kilo ng regular-milled rice kung saan mabibili na lamang ito sa average retail price na ₱48.12.
Mas mababa naman ito kumpara sa average retail price ng bigas noong buwan ng Disyembre.
Samantala, bumaba rin ang presyo ng kamatis na umabot sa ₱158.67 per kilo mula noong Enero 15 hanggang 17.
Ito ay mas mababa naman ng P32 pesos kumpara sa dating ₱190 pre kilo ng kamatis sa unang linggo ng naturang buwan.
Nagkaroon naman ng pagtaas sa presyo ng baboy, galunggong, at maging sa pulang sibuyas.