-- Advertisements --

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng pre-teenage pregnancy sa bansa batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Ayon kay PSA Assistant National Statistician Engr. Marizza Grande, ang pagtaas sa kaso ng pre-teenage pregnancy ay maaaring magpatuloy hanggang sa kasalukuyang panahon.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa ginanap na Civil Registration and Vital Statistics Data Dissemination Forum.

Kabilang sa mga kaso ng nabuntis na bata ay may edad na 10 hanggang 14 taong gulang.

Pinakamaraming kaso ng pre-teenage pregnancy sa bansa ay umabot sa 3,343 na kaso noong 2023.

Mas mataas ito kumpara sa kabuuang 1,629 na kaso na naitala noong taong 2022.

Batay sa datos, naitala ang pinakamaraming kaso ng pre-teenage pregnancy sa CALABARZON, Central Luzon, at maging sa National Capital Region.