Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng limang milyon mga mahihirap na pamilya para sa huling quarter ng taon para sa implementasyon ng national ID system.
Sinabi ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, na prioridad nila ang mga mahihirap na pamilya para matugunan ang problema ng mga ito ng kawalan ng valid proof of identity sa Filipino.
Malaking tulong din ito para sa mga cash assistance program ng gobyerno.
Kapag mayroon na ring ID ang mga ito ay mapapadali na rin ang pagbukas ng mga ito ng kanilang mga bank account.
Nakikipag-ugnayan na rin sa Landbank of the Philippines para sa pagsisimula ng registration sa last quarter.
Posibleng magsagawa rin sila ng mobile registration sa mga barangay para mapabilis ang pagrehistro.