-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Statistics Authority na patuloy silang maghahatid ng mga maaasahang datos sa lahat ng mga stakeholders kabilang na sa agri at fisheries sector ng bansa.

Sa isang pahayag sinabi ng ahensya na patuloy nilang pinagaganda ang disenyo ng kanilang mga survey sa agriculture at fisheries statistics.

Layon ng pagpapabuti na ito na mas maging akma sa mga nabanggit na sektor ang naturang disenyo ng survey.

Kasama rin sa pagbabago ng disenyo ng survey ay ang ilang mga technical experts na nagresulta sa mas mataas na sample size, budget at data collectors at processors.

Siniguro rin ng PSA na magpapatuloy ang mga hakbang na gagawin ng kanilang ahensya upang mapabuti ang survey methodologies at operational procedures.

Ito aniya ay magreresulta sa mas magandang agriculture at fisheries statistics services ng ahensya.

Top