Lalo pang lumiit ang trade gap ng Pilipinas sa buwan ng Nobyembre 2020 mula sa mga nakalipas na buwan at sa kaparehong panahon noong 2019.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority, lumabas na ang balance ng trade sa goods ay bumagsak sa 52.6% sa $1.730-billion sa nasabing buwan, mula sa $3.652-billion sa kahalintulad na buwan noong 2019.
Sumadsad din ito kung ihahambing sa $1.786-billion trade gap noong Oktubre.
Nagpapakita ang deficit ng halaga ng imports ng bansa ay mas mataas kumpara sa exports receipts habang ang surplus ay nagpapakita ng mas maraming export shipments kaysa sa imports.
Ang kabuuang trade sa buwan ay bumulusok ng 10.6% sa $13.31 billion, mula sa $14.898 billion noong 2019.
Sa larangan naman ng exports, nakapagtala ang Pilipinas ng pagtaas na 3% sa $5.79 billion, mula sa $5.62 billion noong Nobyembre 2019 dahil sa annual increases na ipinoste ng cathodes at sections of cathodes; refined copper 83.2%); gold (59.5%); at coconut oil (40.4%).
Gayunman, bumaba ang sa mineral products at iba pang manufactured goods (-14.4%); machinery and transport equipment (-5.9%).
“By major trading partner, exports to the United States of America (USA) comprised the highest export value amounting to %956.80 million or a share of 16.5% to the total exports during the month,” saad ng PSA.
Sinundan ito ng China na may $923.65 million or 15.9% share; Japan, $872.95 million o 15.1%; Hong Kong, $736.13 million o 12.7%; at Singapore, $313.89 million o 5.4%.
Samantala, patuloy ang pagbaba ng imports noong Nobyembre ng 18.9% sa $7.52 billion.
“The value of imports registered a negative annual growth rate for 19 consecutive months since May 2019,” anang ahensya.
“The annual decrease of imported goods in November 2020 was due to the decrease in all top 10 major import commodities,” dagdag nito.
Pinakamabilis ang annual rate of decline sa transport equipment (-42.7%), na sinundan ng industrial machinery and equipment (-32.6%); mineral fuels, lubricants, and related materials (-30.2%); other food and live animals (25.5%); miscellaneous manufactured articles (24.6%); plastics in primary and non-primary forms (23.8%); iron and steel (13.6%); telecommunication equipment and electrical machinery (12.8%); metal products (12.6%); at electronic products (-0.1%).