-- Advertisements --

Nagpahayag ng buong suporta ang Private Sector Advisory Council sa nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbibigay ng kaukulang value added tax refund sa mga foreign tourist.

Paliwanag ng konseho, makatutulong ang hakbang na ito para magkaroon ng interes ang mga turista na mamili ng mga produkto sa Pilipinas.

Malaki rin ang ambag nito para mapabilang ang bansa sa pinaka nangungunang destinasyon sa buong mundo.

Ayon naman kay PSAC lead convenor, Sabin Aboitiz, ang batas na ito ay bunga lamang sa naging kolaborasyon ng pribadong sektor at pamahalaan.

Nagpasalamat rin ito sa kongreso dahil sa mabilis na pagkakapasa sa naturang batas.