-- Advertisements --

Nais muna ng bagong talagang Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala na mapunan ang mga bakanteng board ng ahensiya para maisakatuparan ang mga nakalinyang proyekto.

Sinabi nito na mahalaga na mapunan ang nasabing bakanteng puwesto para mayroon itong katuwang sa pagpapatupad ng mga programa para sa PSC.

Nitong Lunes kasi ay pormal ng ipinasakamay ni outgoing PSC chair William Ramirez ang pamumuno kay Eala.

Si Eala ang siyang pang-11 namuno sa PSC mula ng ito ay itaguyod noong 1990.

Hiniling din ni Eala ang tulong Ramirez para maibigay ang ilang kaalaman nito sa nasabing mga programa ahensiya.

Magugunitang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Eala na mamuno sa ahensiya kapalit ni Ramirez.